Wednesday, July 13, 2011

" TAKBO " ( Oo, tatakbo ako)

Takbo, meron 2k ( parent-child tandem) more on fun hiking, may 3k , 5k, 10k, 15k at 21k. At feeling ko kpag 21 k ang sinalihan mo panghalimaw na un. At talagang meron nun. Mostly Subic ang venue nun mga ganun mga race. At I am sure na mga Kenyans na ang winners... sila ang 3rd 2nd at 1st place ... sige kuhanin nyo na lahat ng place at basta ako .... tatakbo lng ako '

Sa takbo lahat excited, kabado , kinakabahan , ung iba 1st time , walang practice , ung iba batikang runners na ... dating 1st , 2nd , 3rd placers... ung iba ng warm -up, ng stretching , may bata , matatanda, all ages, babae, lalaki , all preferences, iba seryoso, iba tamang trip, iba naaya lang ng kaibigan kahapon at humabol sa last minute of registration, ung iba sumali for a good cause, for new experience, iba uma-outfit lng , naka-dollshoes, maong pants, short short na maong, sige lang sure masakit un , ung iba naka-singlet with bid ang number sumisigaw sa laki at ung iba for fun lang talaga.

Pero ang lahat ng yan tatakbo. At kapag narinig na ang hudyat at bumilang na ang mga organizer from 10-1 at kapag sinabing Go! Lahat nagkukumahog na mauna. " the intense was there " at ramdam ng lahat un . kahit di ka pa tumatakbo mabilis na ang lub-dub lub-dub ng puso mo, maybe because of the excitement o ung adrenaline mo e nasa high pick ng level sa race walang pakialam ang lahat kung sino ang kasabayan mong tumatakbo. kung ganu kabilis o kabagal ang iba. all you are thinking is yourself, all you care about is yourself, all you care about is yourself , your race, your goal...

Within the race, makikita mo ang iba, not looking through their faces kasi you'll not recognize them unless kilala mo talaga sila . Di kayang iregister ng utak mo kung sinu -sino sila sa sobrang dami ng mga tumatakbo . meron mabilis, mabagal... Sa una lahat full charge , full energy butt after 5-10 mins of full run, makikita mo na ang iba na bumabagal , ung iba humihinto, ung iba naglalakad na lang at ung mas matindi ung iba shumoshort-cut lang . At halos kalahati nalang talaga ang tumatakbo.

Sa race lagi mong iisipin na bawal huminto kasi once na huminto ka bababa ang energy level mo kasabay ung pagbaba ng excitement mo about winning the race.

Sabi nga ng kaibigan ko ... " che , bawal huminto, pwedeng bagalan mo , mg-jog ka pero wag kang hihinto " ayan ung nasa isip ko within the race ... " atze , bawal huminto !!!

Pwedeng bagalan , pwedeng ilakad muna nang konti pero wag kang hihinto, sayang ang oras na ihihinto mo, counted kasi lahat ng oras na itatakbo mo, ihihinga at ihihingal mo at kung ihihinto mo lang habang nasa loob ka ng race .

At kapag huminto ka habang nasa pagtakbo, pwedeng mabuwal, matumbam madapa o higit sa lahat mawala ang gana mo at mawala un main goal mo kung bakit ka tumatakbo.

sa race dapat straight lang ang tingin. Bawal yumuko kasi mararamdaman mo ang dugo sa ulo mo na parang lahat nasa paa mo na at parang lutang, hilo o ampaw ang isip mo . Dapat run with head up high. Dapat makita mo ang sun rays, parang ung sikat ng araw ang inspirasyon mo. Tingin lang sa taas.

Dapat gradual ang pagtakbo , parang slow -moderate- fast at kung hihinto ka naman dapat desentisize naman from fast- moderate -slow. Dahan -dahan ... Reason : Para di ka mahirapan .Para may time ang puso mo sa action na gagawin mo at reciprocal sa kung anong ititibok ng puso mo.At baka kapag di mo isinaalang -alang ang puso mo , baka mahirapan syang mag-adjust .

kailangan mo din ng tubig, hindi para mainum kundi para mabasa mo lang ang lalamunan mo na parang natuyot at nag -evaporate lahat ng water mo sa katawan at ikaw naman dehydrated.

kailangan perfect fit din ang running shoes with perfect fit medyas. para maging comfortable ka at iwas paltos na din ...

sa Race nandun na lahat ng mga hadlang , bakong daan, mabato, madulas , mabuhangin, may aso at minsan crossroad pa. Ung iba naliligaw ng route or track ng race . minsan ung ibang runners nagkakabungguan , nandun na masasagi ka... nandoon na din ang init ng araw, minsan kalaban mo din ung mga asungot at pang -asar lang sa race,na kung iisipin mo nakikinuod lang naman ...
Higit sa lahat ung sarili mo ang pinakamahirap kalaban , eto kasi ang magsasabi kung tatakbo ka pa ba o hindi na ...

Sa race may kakaibang feeling , ung drag ng hangin habang tumatakbo ka. Ung saya sa pakiramdam na kaya mo at magagawa mo... Sarap din sa feeling kapag nauuna ka, sarap kung ikaw mas nagagawa mong mag-stay sa race habang ung iba suko na. Taas ng stamina mo...

Dapat sa race lagi mong iisipin na kaya mo pa, magagawa mo, konti na lang matatapos na , na malapit na ang finish line ... At sa finish line nandun ung mga taong proud sa'yo at sa nagawa mo... Madidinig mo ung sigawan, palakpakan, ung ingay ng pagsasaya at mga kwento ng lahat ng runners na natapos na sa pagtakbo ...

At ikaw naman mala-Movie ang drama .. " slow-mo " Ang ngiti mo na abot gang tenga, ung hakbang mo na biglang umaangat, ung katawan mo gumagaan at ikaw tahimik lang samantalang ung iba madidinig mo ung hingal at sigaw ng bawat runner na kumukuha ng hangin " Ha!!! " at sa finish line dun ka palang sisigaw ng malakas na " YES! " I made it , nagawa ko , natapos ko ...

Ang buhay parang race, sabi nga eh ' " People always rushing around, running around, almost on time and late... that is why it is called Human Race "

Meron 3k , 5k ,10k, so on... minsan smooth, sometimes rough... nanjan ang intense, trials, pagsubok, saya, lungkot , pagtawa at pag-iyak ... Sa buhay maraming tumatakbo, marami ding humihinto, ung iba straight lang , ung iba kadalasan paliko-liko. minsan mainit, minsan malamig ...

Sabi nga diba " kapit lang , hawak lang , tuloy lang ... Ganyan nilikha ang buhay, may paglalakbay, may mga takbuhin na dapat tapusin at pagtagumpayan...

Nanjan naman ang mga taong nagmamahal sa'yo at nanjan lang Siya tinitignan at pinagmamasdan ang bawat hakbang mo habang tumatakbo ... Siya ung nagsasabi sa'yo na kaya mo , magagawa mo dahil nandito lang Ako... Lahat magagawamo dahil Siya ang nagpapalakas sa'yo ...

Ang race di naman madali , gaya ng buhay, mahirap pero masaya. Kasi alam mo na sa huli may Premyo ka sa Kanya ....

gaya ni Pablo, natapos nya ang kaniyang takbuhin at buhat ngaun natataan sa kanya ang putong ng katwiran na ibibigay sa kanya ng tapat na hukom at sa lahat ng mga taong magtatagumpay sa bawat karera ng buhay ....

ang mahalaga dapat matapos mo ang takbuhin na ibinibigay sa'yo... Dapat maabot mo ang finish line ... at makuha mo ang goal mo ...


at para sa huli masabi mo sa sarili mo at sa ibang tao " NATAPOS KO , NAGAWA KO ... "

No comments:

Post a Comment