Wednesday, July 20, 2011

" ang lumang t.v at remote control "



S
a t'wing maaalala ko ung mga pinapanud ko nung bata ako, natatawa na lang ako hindi dahil sa kabaduyan nila, kundi sa fun at excitement na nakuha ko sa kanila...


Alam na alam ko ang oras nila kung kelan ipapalabas, kung anu ang sequence ng mga cartoons sa umaga at sa hapon. kung gaanu katagal ang commercial sa bawat pakita nila sa t.v.

Nandoon na may fantasy, action , comedy, love story, mga cute animals na may super power, mga heroes na may ibat- ibang kulay , may red, blue, green, pink, yellow at black. May mga pagong din na mala-artist ang name , leonardo, michaelangelo, donatelo, raphael at may master silang matandang daga. May mga cute little bears na may cute funny super power from the image na meron sila sa kanilang tiyan at sa huli nun lagi silang nag-slide sa rainbow na may golden pot na punong puno ng coins. May kambal din saging nun. May street na kung san punong puno ng mga puppets from monster na mahilig sa cookies , mayroon ding kulay red dun na super cute kapag kumakanta, may mgkapatid din n opposite ang ugali at thinking, may kasama din silang batang elepante at sexy na pink pig na diva ang dating at may dracula na walang ginawa kundi magbilang ng magbilang from 1- 100 ...

Marami na ding mga action heroes nun ... mga lumilipad, may mga sasakyan na sobrang bilis, mga tight leather leggings and pants, may mga partners din sila, nandun na rin ang mga female counterpart nila at syempre di papahuli ang mga vilians nun maging sa outfit at powers. Ayun nga lang pare-pareho silang medyo mali sa outfit. siguro trend na un nun pa at sa bagay adapted un up to now ng mga action heroes maging ng mga pinoy super heroes ... eheheh '

Time din namin meron ng anime' may science, mga martial arts na maging sa mga computers nun may mga games na sila , at existing pa din naman hanggang ngaun... may mga princess na galing sa moon at kung san san pang planeta. kaya date akala ko lahat ng tao may super powers na o ung shakra na ewan ko kung saan galing un ... basta mag internalize ka lng , super concentrate,meditate , believe at bravery at wella .... aun na lalabas na ung mga powers mo '

hai di nauubos ang ideas ng mga cartoonist nun may daga , pusa, aso , elepante , bibe , isda at kung anu anu pang mga hayop na naiisip mo ... meron nun sa t.v at sure click un .. kasi may mga series at minsan nagkaka-movie pa...

ang saya ng buhay bata ... buhay na buhay ang mga mata at puso sa kasiyahan na makukuha dahil lang sa mga cartoons at mga characters na walang ginawa kundi magpatawa at magbigay ng kasiyahan sa kanila...

At ngaun ... hindi madali makuha un ... sa dami ng kaylangan gawin , simulan at tapusin... hindi mo alam kung anu p ang gagawin ...

saan na ba un t.v at remote namin nun ' kung pwede lang na makita at mapanuoran lng sila ulit at babalik ako sa una ... bakit hindi ... ngaun iiyak ka dahil sa nasaktan ka ng buhay , date iiyak k lng dahil nilipat ang channel sa balita o basketball ng tatay mo ... at kapag binalik n sa cartoons buhay na ulit ang excitement at enjoyment mo sa katawan ...


Kung pwede lng sana diba ' bkit di diba ?


















No comments:

Post a Comment